Quantcast


Advertisement

Tunay na diwa ng Pasko

By Clarito Z. Tamayo

BUWAN ng Pebrero taong 2006 , ako ay nag aapply ng trabaho, at dahil high school lang ang natapos ko, nahirapan akong makakuha ng mapapasukan. Nang buwan ding iyon, Nang buwan ding yun, naospital ang bunso kong si Sophie dahil sa pneumonia at natuklasan ding may butas ang kanyang puso. Gustuhin ko mang maipagamot si Sophie ay hindi ko nagawa dahil wala akong makuhang trabaho.

Isang araw ay namalayan ko na lang na wala na ang aking asawa at dalawang anak sa piling ko. Umalis sila nang walang pasubali. Miss na miss ko na ang aking mag iina kayat sinikap kong makapasok sa kahit anong Gawain, kahit mababa ang sahod upang may magamit sa paghahanap sa kanila.

Nakahanap naman ako ng trabahong pang limang buwan at hinanap ko sila sa mga kakilala ng akoing asawa subalit wala sila doon, pati ang kanyang kapatid ay lumipat na rin sa ibang lugar kayat’s hindi ko sila nakita hanggang matapos ang limang buwang kontrata ko sa trabaho.

Sobrang na miss ko ang aking dalawang anak-si Princess, 3 taon, at si Sophie na noon ay anim na buwan pa lamang. At dahil nangungupahan ako ng bahay , kinailangan kong pagsabayin ang paghahanap ng trabaho at paghahanap sa mag iina ko. Nagsideline ako sa isang fastfood chain kahit mababa ang sahod mabayaran ko lang ang upa ko, para may pambili ng makakain at magamit sa paghahanap sa pamilya ko. Nagtatrabaho ako sa gabi at nag aapply naman at naghahanap sa mag iina ko sa araw.

Malapit na ang pasko ngunit wala pa rin ako maayos na trabaho at hindi ko pa makita ang aking mag-iina.. Hindi ako tumigil sa pagdarasal at paghahanap sa kanila. Halos isang beses lang ako kumain sa isang araw upang may magamit na pamasahe sa paghahanap ng trabaho at sa aking pamilya.. Sobrang lungkot ko ng mga panahon na iyon, parang ayoko nang mabuhay.

Makalipas pa ang ilang panahon, ako ay nakatanggap ng tawag mula sa kumpanyang pinagtrabahuhan ko. Kinuha nila akong muli dahil kinailangan nila ng dagdag na tao. Ngunit hindi sapat iyon upang mapawi ang lungkot sa aking puso.

Sumapit ang Disyembre 24, wala pa rin ang aking mag-iina, ngunit nang araw ding iyon, ako ay nakatanggap ng text message na nagsasaad ng bagong address ng aking hipag, ate ng aking asawa. Matapos mamili ng maga pasalubong at pagkain, pinuntahan ko nang kinahapunang ding yun ang address at doon ko natagpuan si Sophie, alas otso ng gabi ng Dec. 24 iyon. Napaiyak ako nang makita ko ang aking bunso, niyakap ko siya nang mahigpit. Nang kalaunan ay napansin kong wala ang aking asawa at panganay naming anak. At nang hinanap ko sila, cellphone number ang ibinigay ng aking hipag. Aking tinawagan ang numero at laking tuwa ko nang ang asawa ko ang sumagot. Nag abroad pala siya, nakipagsapalaran sa ibang bansa sa kagustuhang maipagamot ang aming anak. Nag usap kami nang matagal at kanyang ibinilin na ako na muna ang bahala sa aming mga anak.

Masayang masaya ako nang Paskong iyon dahil nalaman ko na rin kung nasaan ang mga mahal ko sa buhay. Noong gabing iyon ay ibinuhos ko ang oras ko sa aking bunso at tinawagan ko rin ang panganay ko na nasa Samar.naman. Hindi man kami magkakasama ay naging masayang masaya ako dahil natagpuan ko sila na nasa maayos na kalagayan. Sa ngayon ay kasama ko na rin pati ang aking panganay na anak .

Ito po ang pinakamasayang Pasko na hinding hindi ko malilimutan sa buong buhay ko, dahil ang kahulugan ng Pasko ay ang makasama at nasa maayos na kalagayan ang mga mahal mo.

Tags: