IF we look at the results of the recent elections, both at the local and national level, I can’t help but see a tiny glimpse of hope budding up.
That is if we have to believe the analysis of the press of the circumstances surrounding these results. We are witnessing an upsurge trend of protest votes not only against GMA, but also against the system as a whole.
If for that alone, there is reason to begin investing our hopes on better politics ahead…

May 27th, 2007 at 10:12 pm
OPINION
——————————————————————————–
Magulong halalan
——————————————————————————–
Kahit araw-araw siguro idaos ang halalan sa ilang parte ng Mindanao, hindi ito tatantanan ng karahasan at alegasyon ng dayaan.
Tulad na lamang ng mga pangyayari sa Lanao del Sur, ipinagpaliban ang eleksyon noong May 14 dahil sa kaguluhan at nang idaos ito kahapon, magulo pa rin.
Mismong si Ambassador Tita De Villa ng PPCRV ang nakasaksi ng gulo at garapalang dayaan sa Lanao. Nakita niya ang harap-harapang takutan, pagboto ng paulit-ulit at marami pang maruruming paraan para makapandaya.
Ang ginanap na botohan sa Lanao ay indikasyong ginagamit talaga ng mga nakaupo sa lokal na pamahalaan ang kanilang kapangyarihan para mandaya, para mapanatili sa puwesto at para maluklok ang kanilang mga kakampi sa nasyunal na pamahalaan. Pag walang kalayaan ang mga botante na bumoto ng ligtas, epektibo ang command votes. Kapag hindi nabago ang sistema ng botohan sa Mindanao, mananatiling aba ang mga residente roon.
***
Kaliwa’t kanang dayaan na ang napapaulat mula noong simulan ang bilangan ng boto. May dayaan sa Maguindanao, sa Davao City at sa Sulu. Mayroon din daw sa ilang lugar sa Metro Manila at ang apektadong boto ay umaabot sa 700,000 boto. In fairness sa Commission on Elections (Comelec), hindi muna nila binibilang ang mga kuwestiyonableng certificate of canvass. Pero dapat maging patas ang Comelec sa mga COCs na ito dahil ang nasabing bilang ay puwedeng umuga sa mga huling puwesto ng magic 12. Dapat manaig ang mga taong ibinoto talaga ng taumbayan, hindi ‘yung mga nandadaya lang.
***
Pagpapaliwanagin daw ni Comelec Chairman Benjamin Abalos si Genuine Opposition Spokesman Adel Tamano matapos sabihin ng huli na binibitin ang bilangan ng boto para maipasok ang mga kandidato ng Team Unity sa magic 12.
Aba, masisisi ba ni Abalos kung ito ang tingin ni Tamano na tingin din naman ng karamihan. Napakabagal naman talaga ng canvassing at habang tumatagal, mas maraming dayaan ang naitatala sa malalayong lugar, partikular doon sa Mindanao.
***
Dapat ay paspasan na ang patas at makatarungang pagbibilang ng COCs dahil ilang araw na lang, magbubukas na ang klase, ibang problema na naman ito.
Dapat mabisto rin kung anong lugar ang kulang sa mga guro, silid-aralan, silya at aklat.
Nagmalaki kasi noon si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na may sapat na silid-aralan ang milyong estudyante. Pakinggan naman natin sa mga susunod na araw kung totoo nga ito.
**************
Fr: Salina.
Papaano hindi sila magdaya eh kumakain sila ng alikabok. Sabi ng tuta ni Gloria, Kapag daw dumating na ang mga boto galing sa visaya they’re going to win. How do they knows that? If they’re not cheating. In fact there is solid evidence against them. Just like in May 10, 2004. Presidential election. The only problem is even though you present your proof that they’re cheating these idiots in Malacanyang palace et al. Just cover things up! so that their candidates will wins a seat. This time around don’t let them. we must fight tell the end!
May 27th, 2007 at 10:03 pm
EDITORIAL
——————————————————————————–
Anong klaseng paglago?
——————————————————————————–
Umaapela sa gobyerno ang iba’t ibang transport group sa bansa para ibalik ang dating P7.50 minimum na singil sa pamasahe bunsod ng patuloy na paglobo ng presyo ng produktong petrolyo.
Kung matatandaan ang singil sa pamasahe ay ibinaba sa P7.00 mula sa dating P7.50 dahil sa pagbaba ng presyo ng langis.
Subalit ngayong tuluy-tuloy sa pagtaas ang presyo ng langis ay nagkukumahog ang transport sector at ipinaggigiitan ang pagdagdag ng singil sa pamasahe.
Ang hindi natin maintindihan sa aspetong ito ay kung bakit kailangan ng fare increase at pagtaas ng presyo ng langis hindi ba’t ang deklarasyon ng Palasyo ng Malacañang ay patuloy ang paglago ng ating ekonomiya.
Isang konkretong pruweba ay ang sinasabing patuloy na paglakas ng piso kontra dolyar.
Pero bakit kailangang humirit ng dagdag-pasahe?
Kung may katotohanan ang sinasabing pagbuti ng ating ekonomiya hindi dapat nakakaranas ng hirap ang ating mga kababayan lalo na ang mga nasa sektor ng transportasyon.
Dahil sa pangyayari, hindi kaya taliwas na naman sa totoong sitwasyon ng ating ekonomiya ang iniaanunsyo ng Palasyo?
Ang hirap kasi sa ating mga lider, pinipilit pagandahin ang panlabas na imahe gayung taliwas naman ito sa katotohanan.
**********
Fr: Salina.
Hindi lang ako ang ng sasabi ng totoo. Na ang sinasabi ni Gloria, Na booming economy is fake, Katulad niya! Habang sinasabi niya umanlad tayo, Lalo naman tayo nagugutom. Truth of the matter is the Philippines economy deteriorating under her stolen administration. And thats the truth.
May 27th, 2007 at 9:42 pm
Meanwhile, Malacañang urged Guingona to stop being an Arroyo critic and instead help the Chief Executive in “constructive� endeavors.
************
Fr: Salina.
Now, they’re asking the ex-vice President to help her constructive endeavors. Its a laugh. Imagine vice President of the Philippines are speaking out against this bugos President. Because he knows how she run this government.
The filipino people can see what she’s doing to this country. This is one of the reason why most of filipino people want her out from Malacanang Palace. Enough already!
May 27th, 2007 at 11:45 am
it’s about time to ponder mga nagkukunwaring magagaling sa gobyerno, majority of filipinos junked you guys.
patunay lamang na galit ang tao sa inyo.
big shame,mga balimbing na kandidato, buti sa inyo.
May 27th, 2007 at 10:26 am
Nakakapagtaka rin si Joker Arroyo dahil napakatahimik rin nito sa isyu ng pandaraya sa bilangan gayung ang kanyang campaign slogan ay “Kung bad ka, lagot ka!”
Ano kaya ang planong gawin ni Joker sa mga bad na election officers na nakikipagsabwatan sa mga operators sa pagmanipula ng election returns, statement of votes at certificates of canvass para paburan ang ilang kandidato ng TU na sumusuka ng milyun-milyong piso makapasok lang sa Magic 12.
Pati ang maingay at madadaldal na “Spice Boys” na sina Miguel Zubiri at Mike Defensor ay biglang nangawala sa media at sila lamang ang nakakaalam ngayon kung ano ang kanilang pinagkakaabalahan sa Mindanao.
Lalu pa kamong natameme ang TU at mga campaign spokesmen nito nang naglutangan na ang mga saksi sa dayaan sa Mindanao at walang takot na humarap sa media dala ang kanilang mga affidavit na nagdedetalye ng sistematikong pandaraya sa bilangan ng boto pabor sa administrasyon.
Siguradong nakabantay ang TU sa special elections sa 13 munisipyo ng Lanao del Sur dahil sakaling maka 12-0 na naman sila rito ay hindi bababa sa 100,000 boto ang kaagad na maidadagdag sa kanilang boto na posibleng magpalaglag kina GO candidates Antonio Trillanes IV at Aquilino Pimentel Jr. na nasa No. 11 at No. 12 na puwesto sa Comelec tally.
Ni wala ngang naging reaksyon ang TU at maging ang Malacañang sa reklamo ni National Security Adviser Norberto Gonzales hinggil sa electoral fraud at massive vote buying sa Bataan kung saan natalo ang kanyang anak na babae na tumatakbo sa pagka-kongresista sa ikalawang distrito.
Papaano nga ba naman susuportahan ng Malacañang si Gonzales sa kanyang reklamong dayaan sa Bataan eh hanggang ngayon nga ay hindi pa rin resolbado ang bintang na pandaraya sa kanyang among si GMA noong 2004 presidential elections.
Ngayon, magtataka pa ba kayo kung bakit hindi nagrereklamo ang TU na sila ay dinadaya sa bilangan ng boto? At sa nangyayaring dayaan ngayon, malamang na hindi malalagot ang mga “bad” sa Comelec.
************
Fr: Salina.
All I can say about Joker Arroyo, is he’s a joke! paano hindi siya manahimik eh most of his wednesday group laglag sa kangkongan. Dapat laglag din siya. Sukat akalain mo na he’s protector of Mr. & Mrs. Pidal’s. Thats all he’s going to do in the next congress, Start protecting Mr. & Mrs. Pidal’s. Lets watch him. He was saying kong “BAD KA LAGOT KA” Is not true! kasi bad yon amo niya but he’s the one protecting them. In my book he’s the protector of the crooks!!!