Kontribusyon ni Eric Manalang, Ang Kapatiran Party
(Isinulat sa Filipino para sa buwan ng wika)
Sa maraming lugar sa Pilipinas at sa labas na rin, dumarami ang nagsasama-samang mga grupo upang bigyan ng boses at aksyon ang nadaramang sakit sa tiyan, puso, bulsa at kung ano pa patungkol sa lalong lumalalang krisis sa ating minamahal na bayan.
Sumasama na rin ang mga nag-oorganisang mga simbahan, laiko, pulitiko, estudyante, overseas pinoys, negosyante, nakakubling opisyal ng pamahalaan, nakalantad na dating mga opisyal, pulis at sundalo at maaring maraming iba pa.
Lahat hinahangad ang PAGBABAGO…Kaya?
Ngunit hindi lamang ngayon mangyayari ito. Halus kasing tanda na ng pulitika sa Pilipinas and paglalankay langkay ng grupo upang lumakas, marinig, at kumuha ng suporta at pwersa sa masa at “middle class.”
Meron kayang pag-asa ngayon?
Kung ang adyendang Tunay na Pilipino ang isusulong upang si Juan ay magkaroon ng tunay na kalayaan sa napakapanirang pulitika, ito’y mayroong patutunguhan. Ngunit kung ang iiral lamang ay ang personal na interes ng mga pulitiko, simbahan, military at ibang mga organisadong grupo para sa isang makitid na adhikain ay sayang lang muli ang pagsasama-sama.
Hanggang hindi maintindihan natin na ang reporma ay meron pinanggagalingang basehan, papaano malalalaman kung ano ang dapat na repormang gagawin ng bawat isa at ang bawat grupo na kasama rin naman sa gumawa ng problema.
Tayo ay humaharap ng isang “collective guilt” dahil sa pagtangging humarap sa katotohanan at kalokohan na nangyayari sa ating kapaligiran. Ito ay naging isang masamang kultura na siyang lalong binubuhay ng maruming pulitika.
Nasaan ang pag babatayan ng reporma? Sa sarili? Sa isang pamilya? Sa isang barangay? Sa buong BAYAN?
Tignan natin ang ating mga puso. Tignan natin ang ating pamilya. Tignan natin ang ating kapitbahay, mahirap man o mayaman. Alam ba natin ang pagsulong ng adhikain upang magkaisang puso at damdamin?
Sa araw-araw na tayo ay nabubuhay sa bayan natin dalawang bagay lamang ang maaring mangyari: Isulong and kabutihan panglahat o kaya wasakin ito.Walang pagitan sa dalawa. Ginagawa natin o winawasak natin.
Mas nakararaming nagwawasak kaya o nagsusulong? Sagutin natin.
Walang tunay na reporma, walang maaasahang koalisyong mayroong katuturan, walang pagtatagpo.
Iwasan na natin ang pangsariling pamamalakad. Hanapin natin ang tunay na kalayaan.
Ang Kabutihan Panglahat o “common good,” walang iba.
Mabuhay ang Pilipinong Makabayan.

17 Feedbacks on "Reporma, koalisyon, pagtatagpo at pagbabago"
efren orlina
more uodate pls. I’m interested. tnx
Roger Lasquite
‘Tingnan natin ang ating mga puso ang ating mga pamilya.’ walang tunay na repormang, maasahang koalisyon…,
naniniwala po ako,matatagalan nga “kung ito ang aasahan,”…ngunit may malaki-laki na ring bilang,at maaaring iba-iba pa rin,pero organisado,o mga indibidwal na me boldness o lakas ng loob,…o tapat sa kung ano ang misyon,ng grupo,na maaaring ibaling sa mas kinakailangan o tunay na hinihingi ng pagkakataon,kung ang ‘Kapatiran’ ay magiging bukas at patuloy na makapaglalahad at patuloy na makapagbibigay direksyon sa mga nanonood ay maaaring o tutuong me mararating…
Manuel Amora
I may consider that the best way to change the political system in our country is to first transform ourselves - the voters. …to read more click :
http://ofwempowerment.wordpress.com/2006/08/28/democracy-and-our-votes/
john estallo
Ako ay lubos na sumasangayon sa kaisipan ni G. Manalang. Kanya naman aking inaanyayahan ang aking mga kababayan sa loob at labas ng Pilipinas lalo na ang mga kabataan na sumanib na sa Ang Kapatiran Party. Mabuhay ANG KAPATIRAN PARTY!
Roger Lasquite
at kung tayo man ay lalahok,ay “ito na ang panahon upang maghanda” wala tayong dapat ikatakot,lalo na’t kitang-kita na ang tawag ng pangangailangan.’Ipanalangin na tayo ay gabayan ng Banal na Espiritu sa direksyong ating kinakailangan.’
Roger Lasquite
…ngayon ko lang nabasa yung ‘A call to overseas Filipinos’ at oo nga po,isang magandang simulain at magandang pagsimulan o pagpapatuloy ng pagkilos,habang patuloy ang diskusyon upang makita at maging bukas ang lahat sa mas-magandang mga desisyon at hakbang na dapat isagawa.
Roger Lasquite
Isa sa magandang karanasan at obserbasyon e ang election talaga sa atin,nariyan ako noong huling eleksyon at nakisali ako sa PPCRV uli,nanood ako ng mga meetings sa plaza at mga pangangampanya ng mga kandidato,sa botohan at bilangan,at sa kanilang pag-upo kung panalo at ang lungkot at hinagpis ng mga hindi nanalo.At masaya at marangal ang dating ng pagluklok ng mga nanalo,ngunit alam ko at kapuna-puna ang kakaibang katahimikan sa kanilang paglilingkod na inasam at sa nakikita at narinig ko sa kanila ay alam ko simula lamang iyon ng tunay na pag-unawa sa larangang pinasok nila.Ngunit marahil hindi sila nag-iisa,kahit saan e halos ganon ang mga nangyayari yata,at ang isa nga raw na pinakamabigat e ang ‘pagkakahiwa-hiwalay at halos hindi na o parang wala ng paraan upang kahit man lang minsan e maging madali at maging magaan ang pagtungo sa maayos at iisang mithiin,ang makagawa ng magaling para sa iisang pinaglilingkuran.
Roger Lasquite
kaya ko naisulat ang nasa unahan e,binabasa ko nga yung ‘audacity of hope’ni B.Obama,bagaman talagang halos e ito rin nga ang aking obserbasyon at nakatutuwang malaman na halos ganon din nga ang mga nangyayari sa atin.Gusto ko yung sinabi niya ng unang manumpa siya bilang senador ‘ A day of smiles and thanks,of decorum and pageantry-,collectively pausing to affirm the continuity of our democracy, the best behavior that day
e ganon nga,tulad din ng mga election at panunumpa sa atin at ang simula ng tunay na trabaho o ang mga session o mga meeting,…sa baranggay,sa sangguniang bayan,lalawigan at sa kongreso,…ito rin baga e o para lamang maipakita o para maipagpatuloy ang demokrasya o maipakita ang isang normal na pamahalaan? At unti-unti LILITAW ANG HINDI MAITATATUWANG-DIVISION NG MGA HALAL ng bayan,at pati na ang ang bansa,ang mamamayan. Hiwa-hiwalay at hindi magkasundo-sundo sa paraan ng kung paano haharapin at mapag-uusapan ang mga solusyon na kailangan,at ang masakit,habang ang KARAMIHAN,… ‘ANG mga MAHIHIRAP ANG SIYANG lagi at TUTUONG NAGDADALA NG LAHAT NG sakit at HIRAP.’ me say pa baga ang maliliit sa mga isyung siyang laging napagtutuunan ng mga namumuno at malalaman pa kaya nila kung tutuo ang mga anomalya na mga sinasabi at sila kaya e makakabahagi pa sa ke lalaking mga pera sa budget na pinag-uusapan,bilyon at trilyon na,…Ang mga Pilipino sa abroad e,patuloy na laging me mga fund raising campaign para sa kung ano-anong proyekto,at alam ko nakakatulong,pero hanggang kailan? at hindi rin naman malalaki ang kita at bukod pa rito ang patuloy na pagpapadala sa mga ka-anak sa iniwang bayan.Kung minsan e tutuo naiisip ko rin at ng iba,wala na bagang katapusan o PAG-ASA ang ating Bayan? lalu na ang mga mahihirap? (kapag-me mga sumusulat sa akin/amin ng konting tulong at pang-bigas at ulam man lang e talagang mapapa-isip ka ng malalim)…Talagang mahirap ang mamuno,ngunit sana e KUNG YAN ANG PINILI E,GAWIN ANG LAHAT ng magaling,ipakita ang tunay na pangunguna sa mabuti o kung hindi kaya e marahil,kailangan na rin ngang magpahinga o subukan ang ibang kaparaanan at mga tao o grupo na makapamumuno ng maayos at oo,…bagama’t yun nga lang alam natin,KAILANGAN E MAKILAHOK AT MANALO.”pero mas-marami ang mga mahihirap at mga kahit hindi mataas ang pinag-aralan, mga nahihirapan na gustong maka-ahun,mga nagsisikap sa mababang antas ng pamahalaan at mga boluntaryong nagbubuo ng mga grupo upang makatulong,ngunit wala ring magawa halos,lalo na’t wala ng ‘pondo,walang tunay na lakas at kailangang koneksyon,mula sa daloy ng salapi ng bayan o ng ibang daluyan ng pondo,at ang kawalan na nga marahil ng pwersa,lalo na’t hindi kasama ng nangungunang grupo o partido ( na hindi naman yata dapat ganon).Na kahit nga boses at opinyon lang e mapakinggan man laman.O ang iba naman e pag-naroon na e sumasama na rin o napipilitan na rin at nalilimutan na ang kanilang mga unang tunay na nais gawin dahil sa wala rin ngang magawa.(halos simula bata e nakikinig ako sa mga talumpati at mga magagandang pangako at gagawin ng mga namuno at mamumuno,nangangahulugan baga na ang mga magagandang salitang iyon e puro bola lamang? alam ko hindi naman,dahil marahil tutuo nga tuloy pa rin ang pag-inog at ang mahirap na pag-tahak tungo sa magagandang mithiin)’Sa pagsubaybay sa mga balita sa atin e halos ganon na nga rin,halos iisa rin ng mga hirap at dadanan at,tayo nga e tulad din ng iba, e gumagalaw na sa isang tila papaliit ng mundo at apektado tayo ng bawat pangyayari saan mang dako ka naroon.’At siguro nga e dapat lang na ang gawin e paghusayin ang lahat at gawin ang tunay na magagawa,lalo na ang kagalingan ng sariling bayan at mamamayan at tungo sa isang mahusay na pakikitungo sa lahat. AT OO ALAM KO,ang tanong paano nga kaya???-…’at oo alam ko hindi tayo susuko…o sumusuko.’
“sali kayo at ng tayong lahat e magpa-nagpo.” gamitin natin ito upang maka-sulat at mabasa man lang at makapagparating ng opinyon at obserbasyon.
Roger Lasquite
so,kung sa senado sa amerika e ganon nga,o parang,halos e walang tunay na maayos na mga pagpupulong,o nakikinig sa mga usapin,mula sa pinaka-puno nito at mula sa mga kasapi,e parang ganon din kaya kahit saan,yung walang tunay na maayos na pag-uusap kung paano at saan papunta ang mga naka-handang mga usapin,at kung kitang-kita na iilan o maliit nga lamang ang lugar upang ang mga tamang desisyon e tunay na mapag-uasapan,…ngunit hindi tutuong marating ito,dahilan sa iba’t-ibang agenda at pinagtutuunang pansin ng bawat isa o kawalan ng tunay na interes ng bawat isa sa mga usapin,o dahil sa kawalan ng pagsang-ayun sa mithiin ng bawat isa.At ang nakaka-gulat e eto ang mga institusyong ke laki ng epekto sa pamahalaan at buhay ng mga tao,…sa atin baga e eto rin ang nagaganap???
Bagama’t alam ko hindi lamang ang mga institusyong ito o ang mga halal ng bayan lamang e me mga ganitong kalagayan.At siguro nga e panahon ito upang tunay na mapag-munihan ang mga nagaganap at sana e kahit paano e me,maisagawang pagbabago.At maganda na napag-uusapan,…sali po.
Roger Lasquite
At hindi tayo nag-iisa,kung sila e divided,sa tungkol sa Iraq,tayo e sa Mindanao,tax,tayo e vat,abortion,guns,Ten Commnadments,tayo e yung mga pag-nagsalita ang mga Obispo o Simbahan,gay marriage wala pa ba sa atin?,…education policy,environmental regulation,the size of government and how they work or function marahil,and eto mainit ngayon,role of the courts.
I like how he wrote about this,’Not only did we disagree,but we disagreed vehemently,with partisans on each side of the divide unrestrained in the vitriol they hurled at opponents.wow,i have to check my dictionary,talaga…aba.WE disagreed on the scope of our disagreements,the nature of our disagreements,and the reasons of our disagreements.Everything was contestable,whether it was the cause of climate change or the fact of climate change,the size of the deficit or the culprit to blame for the deficit.
so bakit kaya? o tayo man baga e nasa ganito na ring sitwasyon.Sila e merong ‘professed ideals as a nation’-tayo meron pa kaya? at tayo baga e tulad din nila kahit meron e iba ang realidad.Sabagay sabi e bahagi na raw ang mga iyan simula pa ng magsimula sila.at wars ahve been fought,laws passed,systems reformed at etc…
Ang maganda na parang pag-asa e eto, ‘No,what’s troubling is the gap between the magnitude of our challenges and the smallness of our politics-the ease with which we are distracted by the petty and trivial,our chronic avoidance of tough decisions,our seeming inability to build a working consensus to tackle any big problem.
’sabagay-mukhang tayo e unti-unti ng nagigising at awa ng Diyos e eto,at tahimik at kahit marami pa rin ang mahirap at problema-e tuloy ang pag-kilos ng mga naglilingkod at nagmamahal sa bayan.’ so tuloy ang trabaho,at alam ko rin mahirap,ngunit me pag-asa.’ di po baga??? napapasarap po.sensya na.
Roger Lasquite
yun nga lang po ano? saan nga at paano tayo magtatagpo-tagpo,tungo sa pagbabago o reporma. At ng tayo nga e ang palaging ‘kagalingang panglahat’ -o common good sa sabi sulat sa itaas lagi ang ilaban o ipilit.Paanong maging ‘Tapat o matapat na mamamayan’.At dapat nga na kung paanong tayo e namumuhay bilang isang nagsisikap na maging tapat sa ating paniniwala o pananampalataya o sa Diyos na ating pinaniniwalaan.Mahirap alam ko ngunit malaki ang pag-asa at para sa akin e yun ang tamang paraan at tamang tagpuan kung ibig nating matamo ang isang payapa,masagana at makatarungang pamayanan para sa lahat.Ang kailangan nga lamang e maipaunawa at maipa-abot ito sa lahat lagi at magkaroon ng tunay na suporta mula sa mga puno at yung me mga tunay na me magagawang malaki upang maisagawa ito.At muli,e lilitaw na ito e isa sa unang gawain muna na,salamat at me mga nagsisigawa na.Tutuo nga-’hanapin muna ang…at lahat ibibigay…’ Ang mga laiko e nag-aaral na rin ng husto at pilit na gumagawa upang makatulong…at lagi ‘healing muna ang kailangan bago maka-palaot sa mas malawak at mas ma…pang mga gawain,at opo… me-katagalan,at patuloy na pagsisikap at pag-darasal.So kung wala pa kayong komunidad,e magtanong-tanong at lumahok,lalo na yung mga me mga formation program,mga mag-asawa,solo,single,youth,at mga bata,at maging tunay na bahagi ng kung ano ang plano o makita ang laan para sa atin ng Diyos.(kapag nakakakita ka lagi e tutuong eto nakakapagbahagi ka talaga ng mga tunay na karanasan…at laging me-pag-asa at umaasa.)
Roger Lasquite
maganda rin ngang mapag-munihan ang ating pagiging ‘Pilipinong Katoliko-at ang kung paano at ano ang tama at dapat na mga gawin o mga desisiyon pag-dating sa Pulitikang Pilipino.’ Marami na nga ring mga isyu at marami na rin ang mga narinig at mga mahahalagang desisyon,halalan ngunit tila nga yata kalimitan e ang bawat isa e tutuong sa mga sariling pag-aaral na lang at konsensya na lang nananangan at siguro e dapat din lang ngang ito e laging magabayan,tungo sa mas malinaw na desisyon.At lalo na ang kung bakit dapat o kailangan na me-Partido Pulitika.
Roger Lasquite
so mas marami baga ang nagwawasak kaysa nagsusulong???
nakatutuwang magbasa ano po?,lalo na yung sa tungkol kay Erap,sa survey…at tutuo mapapa-isip ka nga talaga,o maniniwala ka talaga na tayo nga e ‘hiwa-hiwalay din nga,’ ngunit maganda rin sapagkat dito e nakikita natin ang mga dapat gawin,at maganda rin na naririnig natin ang mga nasa isip at puso at ito ay naipahahayag natin dito.At hindi naman tayo nag-iisa…di po baga? at ito rin sana ang gamitin natin tungo sa…ano nga baga???
‘tingnan ang sarili at saka magturo!!!, ‘mahirap pero kailangan.’ at kung madapa e bangon uli,lagi,at wag bibitaw…’kailangan tayong lahat,sama-sama,mas malakas,mas ma-pwersa.’ At magdasal lagi,para laging malakas.’
‘ituloy-tuloy natin,tayong mga nakaka-sali dito,…me mga nagbabasa at nagmamanman.’
so nasaan ako, o ang iba,’nagwawasak o nagsusulong baga???’
Roger Lasquite
Catholic Politicians
‘It’s not easy,…-Fine line between politics and faith.’
wow ganyan din baga tayo?
sabi ng isang politiko,’once faith mixes with politics,things can get complicated for Catholic politicians.Politicians have to reconcile their beliefs on socially divisive issues like abortion and same sex marriage with the beliefs of others.
at oo nga,lalo na’t ikaw e tutuo sa iyong pananampalataya,
nagmumuni lang po!
Halos e mga Katoliko ang ang mga pulitiko sa atin,maganda rin nga sigurong mapagmunihan ito,at sana e makapag-muni rin nga sila,at alam ko syempre naman.
Roger Lasquite
nung mga 1973 e me Conference na ginanap sa Bogota,Colombia at me sumunod pa 1974,mga Catholic charismatic leaders,and they shared a common Latin American vision,In all this common visionthere was agreement that the Holy Spirit is moving in power to do three things:
I.To transform individuals into a real personal relationship with Jesus Christ through the baptism of the Spirit;
II.To heal relationships and to ‘build community;and especially in the family and the neighborhood community;and
III.To transform society by ‘healing relationships of injustice and oppression.
“Hiling nating matagal na ‘HEALING’- at tutuo talaga na healing on all levels-and by all possible means:political,economic and by prayer.
Yung mga nagtatrabaho o ang mga ministry e social justice e e nakikita nila at nararanasan ang failures of so many dreams at nakikita nila na it is more than structural change ang kailangan..Yung mga matagal na nakatrabaho o nakasamuha ang mga oppressed e sila ang mga tunay na naging bukas at naniwala at naging open sa prayer for inner healing.Me mga hindi pa rin naniniwala at kahit tayo nga raw na naniniwala e too cautious pa kung minsan,na magbahagi ng mga karanasan natin at nakita nating mga ‘healing’.Lalo na ang inner healing,interior transformation.Justice cannot be brought to a society until there are just men;and men cannot be just until they are healed of the hurts and wounds of the past.
Salamat at sa atin kahit halos saan ngayon e me mga community tayong nagsasagawa at ito ang misyon.
Me mga pari at Laiko tayong patuloy na me inspirasyon at lakas na bunsod ng Banal na Espiritu,merong yung mga tradisyong ginagawa nating mga Katoliko,shrine,rosaryo,lakad ng paluhod,dasal sa mga piyesta,prusisyon,mga walang lagot na pa-Misa at tutuo ang mga sumasama at lumalahok rito at mismong nakakaranas ng ‘healing’ e patuloy na nagiging mga taga-pag balita ng mga nagaganap na mga healing,’All in the name of Jesus’
Tamang-tama ang pagbasa ngayon,’the Fruit of the Spirit’…at lahat tayo e pwedeng tumanggap nito hilingin ang ‘HEALING’ na kailangan natin.
Sana tayong mga Pilipinong Katoliko e mabiyayaan ng mga nagaganap na kailangan natin tungo sa common good na ating ina-asam at matibay na paniniwala na,… oo nga po, Siya ang kailangan.
in Jesus name po.at salamat po.
Roger Lasquite
sana e bigyan tayo ng lakas na maka-sali kayo sa magandang usapang ito,so tuloy ang dasal…para sa ating bayan at mga kababayan,”AHUN-Kaya natin.”
Roger Lasquite
o ayan na!,patuloy tayong magdasal at ng mabigyan tayo ng mga kinakailangan natin sa mga darating na gawain at ng maayos nating makita ang tunay na gabay na kinakailangan.At patuloy tayong magmuni sa bawat mga pangyayaring makakaharap natin,at sana’y maging handa tayo at malakas sa kung ano mang mga pagsubok at maging laging handang tumayo at makabangon lalo na sa mga panahon ng tukso at kahinaan.
Please Leave a Comment!