Quantcast

On Abalos calling Lozada a liar

02/22/08

Posted under Feedback

I WISH to see the day (soon) when the Senate hearing is concluded.

Then we will see who has the longest nose in the Senate investigation.

– Ed Valeriano, Union City, California (via e-mail)

Powered by Gregarious (21)

62 Responses to “On Abalos calling Lozada a liar”

Pages: « 13 12 11 [10] 9 8 7 6 5 4 31 » Show All

  1. 47
    romarico gaspar Says:

    kakaiba ang gobyerno natin madaming bida at kontra. wala namang masama kapag para sa kabutihan ng nakararami ang goal. correction po! nakraraming taungbayan hindi kamaganak, kakampi or ka anib.

    tandaan po natin kahit anong away ok lang basta lang po walang patayan. kinabukasan tayo rin po ang magtulungan.

    Ang karunungan ay gamitin sa kabutihan para sa taungbayan. kapag ginamit ito para yumaman sa maling paraan, iyan na po ang umpisa ng bangayan.

    Ang ‘pinas ay halos nabubuhay sa utang. pero kita mo ang daming gustong maging politiko. magsabi nga tayo ng politiko na pagkatapos ng termino hindi naging milyonaryo? huh… bilang sa daliri mo.

    ano kaya kapag wala ng magpautang sa ‘pinas meron pa kayang may gustong maging politiko? konti na lang at diyan mo na makikita kung sino talaga ang tunay na nagmamahal sa bayan.

    back to basic po tayo. saan na yung mga katuruan nating pilipino?huwag magnakaw! kapag ito ang nasa puso ng bawat politiko mula kay kapitan hanggang kay pangulo, tiyak daig natin ang mga nangungunang bansa ngayon. mahirap bang gawin? talagang mahirap…pero tandaan mo kapatid walang imposible kapag kasama natin ang diyos sa anumang mabuting hangarin.

  2. 46
    Renato Says:

    Can anybody tell me why a comelec chairman was into this NBN deal?

    I presume malacanang allowed him to be on this deal for him to get something in return for the favors he rendered during the presidential elections.

  3. 45
    Alex Reyes Says:

    Sa mga NAGMAMARUNONG…KAYA MU BA?

    Ikaw ba ay isang ekonomista at gaano ang kaalaman mo sa pag papatakbo ng ekonomiya. Sa tingin mo ba eh mas mahusay ka kay Gloria na Professor ng Economics at Pantas sa Ekonomiya na tinamo mula sa Pamantasan ng ibang bansa at kabilang sa mga mag aaral ng mga kilala at bantog na dating Pangulo ng Amerika na si Clinton? Kaya mu bang humarap sa maraming pinuno ng ibat ibang bansa sa kabila ng pagiging kulang sa sukat at magsalita ng ibat-ibang wika? MAKAYA mu kayang manatiling nakatayo at patuloy na namumuno sa isang bansang hati ang opinyon at pilit pagtulong-tulongan ng mga kilalang buwaya at mga higanteng istasyon ng radio, television, at makiling na pahayagan sa tulong ng mga bayarang PR manager at tiwaling mamahayag? kaya mu bang dibdibin ang mga kataksilan tulad ng ginawa ng dating kaalyado at pangulo ng senado sampu ng mga taksil na kalihim tulad ng makulay na si Dingky Soliman at si babalu? kaya mu bang tumayo sa kabila ng pagsalungat ng mga magigiting na senador na binubuo ng dating police, actor, enhinyero, rebelde, hukluban, madada na amerikano, me talangka sa ulo, pogito, puro porma at umuubos ng 6 biyon para sa 5 batas ng 2006 ayon sa ulat? Kaya mu bang harapin o diddibin ang mga tinagurian prinsipe ng simbahan at hadlangan ang mga sulat pastoral at busalan ang bibig upang mapigilang umatake gamit ang pulpito? kaya mu bang labanan ang mga makapangyarihan at maimpluwensiyang dating Pangulo tulad ng mandarambong nasi Erap, si tabako at ang kalisnisisang si Cory at ang maimpluwensiyang mga Marcos tulad ni Imelda? kaya mu bang harapin ang mga nag aalburotong suwail at rebeldeng sundalo sa pangarap na coup-detat na sina miranda, lim , Querubin at ang napaka macho at pogito na si rebeldeng tenyente Trillanes? Kaya mu bang pigilan ang mga walng utang na loob na mga Lopez , cojuanco, ayala , tan at iba pang mga negosyante sa patuloy na nakikinabang sa hulabaloo na ito? Kaya mu bang tangapin ang mga PARATANG NA KATIWALIAN NG WALANG SAPAT NA KATIBAYAN. AT KAYA MU BA NA BATAHIN ANG PANGANGAILANGAN NG 84 NA MILYONG PILIPINO NA KARAMIHAN AY NAGLUKLOK SA MGA INUTIL AT GAHAMANG POLITIKO SA KASALUKUYANG PANAHON?

    Ang sistemang umiiral ay kasalanan ng mga tao na patuloy na nauuto ng mga makapangyarihang tao gamit ang medias sa patuloy na pagmamalabis at labis na pagkahumaling sa kapangyarihan. Kahit ang mga matatalino ay naapektuhan ng labis na pagkiling ng media sa isang panig ukol sa mga isyung kinakaharap.

    Sisihin ninyo ang inyong sarili sa patuloy na pagboto- na akin ng itinakwil magbuhat ng manalo si Ramos bilang presidente sa di ko masikmurang sistema ng lipunan gaano man ituring na kasgrado ng aking boto.

    Pang uuto lamang ang ganitong kataga na sagrado samantalang patuloy na binababoy ng mga politiko sa pamamagitan ng pag-gamit ng maruming taktika tulad ng media, pag susuhol at halos ang ganitong uri ng gawain ay isa ng kanser ng lipunan.

    Ang talamak na korupsiyon ay di lamang kay Gloria bagkus ay nakalikaw na sa mga utak ng tao mula sa pinaka mababang antas hanagang sa maabot nito at tutulan man ay napakahirap sapagkat ito’y sistema ng umiiral at ang pagsalungat dito ng tahasan ay maaring buhay ang kapalit at napaka-panganib.

    Napakaraming kabataan ang binulag ng idelohiyang komunismo sa pag-asang uunlad ang bansa at lipunang ginagalawan ngunit sa katotohanan ay nagdulot ng kapighatian sa san daidigan sa kabila niyon patuloy parin ang pamamayagpag ng paniniwala na ito sa ating lipunan kahit tinalikuran na ng mga dating naniniwala sa ganitong pamamaraan ng pamamahala.

    Kakayanin mu ba na baguhin ang kultura at kaugaliang ito sa pamamagitan ng patuloy na pag aaklas at gamitin ang revoultion sa pag agaw ng kapangyarihan. DUGONG PILIPINO DUGONG REBOLUSYONARIO. Sa aking pananaw di ko kaya … muntik na akong mamatay sa pag sama sa unang EDSA revoultion ngunit ang isang maybahay na tulad ni Cory na namahala ay nag iwan ng isang ala-ala na patuloy na naghahati hati sa mamayan at naging daan ng pag-abuso walang iba konti ang tinatawag na KONSTITUSYON 1986. hugkag ang konstistyon na ito na dapat ng palitan sapagkat sagabal sa pagunlad at hindi angkop sa bagong kalakaran ng globalization.

    SINO SA INYO ANG MAY KAPALARANG TULAD NI GLORIA NA MISTULANG ISINUMPA AT PINABAYAAN PALIGIRAN NG MGA BUWITRE AT NAG LIPANANG MGA ULUPONG SA LARANGAN NG POLITIKA.

  4. 44
    Alvin Says:

    Jun Pindot, you are wrong. The peso is rising and that’s the fact. Do not base only on US$ exchange rate.

    Buksan mo pa ang isa mong mata para mas makita mo ang katotohanan. Ang isa mong mata ay nakatuon lang sa dilim. Gamitin mo yung isa para tumingin sa liwanag.

  5. 43
    Jun Pindot Says:

    Nakakaawa ang mga apo, anak at manugang ni Ben Abalos. Pati sila nadadamay sa pagsisinungaling ng kanilang Padre de Pamilya.

    When students 20 years from now look up Crook, it will say Abalos. When they look up Crooks’ Lawyer - it will say Panelo, who used to sell used cars in Daly City. Go figure.

Pages: « 13 12 11 [10] 9 8 7 6 5 4 31 » Show All

Leave a Reply

Welcome to
Vox Populi, where your voice will be heard. Click here to find out how you can post entries on this blog.

Disclaimer: The polls conducted here are not scientific and only reflect the sentiments of those that have chosen to participate.

INQUIRER.net VDO

  • Poll
    • Would an independent Muslim State further divide instead of unite the Philippines?

      • Yes (0%, 0 Votes)
      • No (0%, 0 Votes)

      Total Voters: 0

      Vote

      Loading ... Loading ...
    Search

    Archives
    Categories
  • Close
    E-mail It