I AM no fan of GMA. I abhor what’s going on in Philippine government and politics now, but I choose to see things from a higher plane.
I often wonder, if GMA is so evil and corrupt, why is GDP growth the highest in 31 years? Why is inflation in the low 2 percent? Why is the peso at P40.50 [to the dollar]? The problem with many is they think corruption can go away overnight. Why don’t we try to place ourselves in Malacañang and imagine funding a P6-billion presidential campaign, a P200-million-per-senator campaign, P20 million per congressional bet, local, etc., etc. from our own pockets?
We drag GMA out of Malacañang and you think all our problems are over. Haven’t you considered the biggest potential winners in such a scenario are the rightist military or the extreme left? Sadly, we may be playing to the tune of rightist and leftist power grabbers… and unknowingly leading the nation to the way of Burma!
Unfortunately, GMA is about the best this rotten political system can produce. She is a small part of the problem. Someone said the opposition can’t seem to gain any headway because nobody is above the fray. Of course no politician is above the fray. They are all part of this extremely flawed political system. To fix the system, we must first work long and hard to attain an economy that will support a principled political system. The only way there is sustained economic growth. Somewhere along [the way], we change the electoral system so one does not have to steal or sacrifice his/her principles to get elected and do his/her mandate.
After a sustained 10-year growth, for example, government may be able to partially reimburse election expenses. It will be able to pay government employees wages that afford basic necessities and more dignified lives. By then, ordinary Filipinos can afford to donate part of their growing disposable incomes to help elect competent and principled leaders.
My call to media and so-called moralists: Think!
– Gerry Ditching, Makati City, Philippines (via e-mail)

April 3rd, 2008 at 6:23 pm
To Maria Makiling,
Sa aking paniniwala ang dahilan kung bakit humiwalay and dating mga cabinet members ay kasi akala nila mapabagsak na talaga si PGMA so it’s more of self preservation. And I beg to disagree when you said na ang mga Pilipino ay di nag-iingay kung hindi nagugutom, hindi naghihirap o nakararanas ng harrasment o oppression. Sa palagay mo ba naghihirap at nagugutum sina Erap, Cory, Lacson, De Venecia, Binay, Pimentel, Villar, Madrigal etc., kaya sila nag-iingay? These people have vested interests, they want to grab power at all cost kahit pa magkawatakwatak tayong mga Pilipino! Gusto nila sila na naman.
Do you honestly believe these Senators conducted these series of investigations in “aid of legislation” to end corruption? In the first place are they not also themselves suspect of being corrupt? Think of their billion of pesos budget and ask yourself how many laws have they enacted for the betterment of our people. Sa daming oras na kanilang ginugugol sa mga imbestigasyon in aid of legislation ni isang batas wala pa silang nagawa. So is it not very obvious that they just want to gain media mileage and to project themselves of fighting corruption to bolster their chances in the coming 2010 election.
April 2nd, 2008 at 9:32 pm
to maria makiling.. c PGMA b ang direktang may kasalanan kung meron man nwwla s mga aktibista n mka anti-government? in d first place malay b ntin kung nagcpg akyatan n un mga nwwla s bundok at sumanib n s NPA? d b mga leftist cla n cnusuporthan ang komunismo? armed leftists are also killing our soldiers & policemen. should we let the communism ovethrow our present democratic gov’t.? pti un ibng mga bintang kay PGMA ay puro hearsay? d kya un mga nag iingay ngaun e may mga kinalaman s 2010 presidential elections? pls pki sagot lahat ng tanong ko. tnx.
April 2nd, 2008 at 6:33 pm
pag-iingay? pakikipagusap sa rehimeng gma? alvin, ilang beses ng sinubukan at nakipagtulungan ang maraming lider ng bawat sektor, maging ang mga dating “cabinet members” niya ay humiwalay kasi di na nga masikmura ang mga panloloko, pagtatakip, pagsasamantala at pang-aabuso sa kapangyarihan…hidi mo sinagot ang aking katanungan “ang pilipino ay di mag-iingay kung hindi nagugutom, hindi naghihirap, hindi nakakaranas ng harassment at oppression, at hindi pinagkakaitan ng pag-asa sa kanyang mga pangarap” matiisin ang pilipino pero umabot na nga sa sukdulan kaya marahil ay “nag-iingay” gaya ng iyong ibig sabihin…hindi rin marahil gusto nating sirain ang imahe ng ating bansa dahil sa “pag-iingay” o maghirap at magdusa sa walang katapusang “political circus”. Ang tanging mithiin lamang ng mga “nag-iingay” na Pilipino ay iayos ang pamamahala sa gobyerno, ipatupad ang batas lalo na sa katiwalian, at higit sa lahat siguro ang maging tapat at makatotohanan sa kanyang nasasakupan…
“May mga bagay na nagagawa nang NAKAUPO at di na kailangan pang TUMAYO” ngunit papaano mo gagawin ang mga bagay ng nakaupo lamang kung may piring ang iyong mga mata, nakagapos ang iyong kamay at nasa kadiliman ka..di ba nararapat ka ring tumayo at hanapin ang dahilan kung bakit ka nasadlak sa ganitong kalagayan. kung magiging pilosopo naman ako ayon sa iyon analogy, siguro kahit paano ay subukan kong gawin ang mga bagay bagay na nakatayo naman bukod sa paggawa ng nakaupo lamang.
At siguro bilang pagtatapos, paano ka makipag diyalogo sa kasalukuyang pamunuan gaya nga ng iyong panukala eh kung ang kausap mo ay may ibang interes at kailanman ay hindi magiging tapat sa anumang maginoong usapan sa dahilang nagpasakop na nga sa sistema ng patronage politics at labis na pagyakap sa poder ng kapangyarihan. DI bat mamamayan muna hindi ako muna, kami muna at tayo muna syndrome bago pagsilbihan ng tapat ang bansang pilipinas.
April 1st, 2008 at 1:54 pm
Sino ba ang ayaw ng katarungan? Sino ba ang ayaw ng pag-unlad? Sa tingin ko naman, walang argumento dun. Para sa akin at para sa iba, hindi nakakatulong ang labis na pag-iingay.
Lingid sa iba, ang ginagawa nilang pag-iingay ay nagpapapangit ng imahe ng ating bansa. Ang iba naman, yun mismo ang hangarin. Marami dyan, ginagamit lang ang salitang “katarungan” at “katotohanan” para kumuha ng simpatiya ng tao. Pero kung magmamasid ka lang nang mabuti, mapapakiramdaman mo kung ano talaga ang kanilang pansariling mithiin.
Ano ba talaga ang intensyon nila? Ang pag-unlad o ang pagbagsak ng bansa?
May mga tamang paraan para sa gusto nating pagbabago, kapayapaan at pag-unlad. Bakit hindi natin subukang makipag-diyologo sa gobyerno. Ilatag ang inyong mungkahi. Kapag hindi nagkasundo, diyologo ulit! Pasasaan ba’t may mapagkakasunduan din at magbubunga ng maganda ang pakikipag-usap. Hindi yung “Bumaba na kayo!”. At pag may naluklok na bago, ayun na naman ang sasabihin, “Bumaba na kayo!” Di ba nakakasawa na ang ganun?!
Mas magandang napag-uusapan ang mga bagay na nagdudulot ng di pagkakaunawaan. Ang nangyayari kasi sa atin, sobrang nagpapagalingan. Ang pakiramdam kasi nung mga nag-iingay, makabayan ang dating nila. Iniisip kaya talaga nila ang masamang dulot ng kanilang PAG-IINGAY?
May mga bagay na nagagawa nang NAKAUPO at di na kailangan pang TUMAYO.
April 1st, 2008 at 1:19 am
ronald,
sa tanong mo meron pang mga lider na tunay na nagmamahal sa bayan at matibay ang moralidad na hindi kailanman magpapailalim sa sistema ng pulitika sa ating bansa, nagkaroon na tayo ng isang magaling na pinuno sa katauhan ni magsaysay at magkakaroon tayong muli ng isang lider na magiging simbolo ng pagkakaisa ng ating bansa.
walang perpektong lider ngunit ang ibig ko lamang ipabatid na kung marami ng pagkakamali ang isang pinuno ay dapat tayong kumilos at ipaalam sa kanya na tayoy nagtatanong at naghahanap ng kasagutan sa bawat eskandalo, kontrobersiya kinasasangkutan ng kasalukuyang administrasyon.
walang ebidensiya at puro pag-iingay lamang? marami na nga eh, pero patuloy na hinaharang sa ibat-ibang paraan.
alvin…
magpakatotoo ka! ang pilipino ay di mag-iingay kung hindi nagugutom, hindi naghihirap, hindi nakakaranas ng harassment at oppression, at hindi pinagkakaitan ng pag-asa sa kanyang mga pangarap.
Katulad mo, kabilang din ako sa nag-oobserba at patuloy na naniniwala sa rule of law, pero naranasan ko mismo at nakita ko ang mga paglabag nila sa karapatang-pantao…mga taong walang kalaban laban at nagpapahayag lamang ng kanilang saloobin sa mga bagay na di maganda sa pamunuang ito, subalit ang kapalit ay forced disappearance? o bigla lang nagtago?
Maraming tanong, pero sa kabila ng mga pangyayari ay patuloy kong ginagampanan ang tungkulin ko sa bayan, pagbabayad ng tamang buwis at pagsunod sa mga batas..pero hindi mo maitatanggi sa akin na ang pagdalo sa rally ay upang isigaw lamang ang maraming katanungan na ni minsan ay di sinagot at binigyang linaw ng pamunuang GMA.
Kung bibigyan lamang ng pagkakataon na sagutin ang mga katanungan sa bawat eskandalo at kontrobersiya, siguro maiintindihan mo kung bakit lumalabas ang tao sa kalye para mag-rally.
Hindi mo ba napapansin ang patuloy na paghahati ng opinyong publiko, patuloy na paghahati ng simbahan, military, at iba pang sektor ng lipunan ay iisa lamang ang natutuwa at nakikinabang…ang rehimeng arroyo.
At sa malamang sasagutin mo ang mga paglalahad ko, pero payong kaibigan hindi tayo magkaaway at pareho ang naiisin natin sa ating bansa…ang isang maunlad, matatag at dakilang pilipinas. Makkaiba man ang ating pangangatwiran pero iisa ang ating hangarin.
panahon lamang ang hahatol kung sino ang mali at tama sa atin pero sa ngayon at kinagagalak ko ang iyong mga matibay paniniwala.
Sana sa mas malapit na hinaharap ay magkaroon muli tayo ng mga bagong lider, mga bagong pinuno na handang basagin ang bulok na sistema ng “patronage politics” at mga trapos na patuloy na nagpapahirap sa ating bansa.
Nakakatuwa ngang isipin na ang ating mga pinuno ay ubod ng yaman sa kabila ng sobrang kahirapan ng kanilang nasasakupan. Pilipino mamulat at manindigan ka!