Editor’s Note: This article was originally written by the author for his blog. We’re posting it with his permission.
By Doy Cinco
Nakakalungkot isipin na kung sino pa ang “nagsusulong, nagtutulak at nananawagan ng good governance, moralidad at responsible citizenship, krusada laban sa jueteng at kurakot” ay siya pa ngayon ang iniipit, pinapatanggal sa pwesto at kinakasuhan ng katiwalian at kabuktutan.
Ano ang layunin at bakit gustong patalsikin sa pwesto bilang gubernador si Among Ed? Ang recall petition ba’y interest ng nakararaming Kapampangan, para ba ito sa kaunlaran, good governance at para sa pagbabago? Dahil ba sa plataporma at prinsipyong ipinaglalabang political reform, pagwawaksi ng kabulukan ng pulitika, pagwaksi ng guns gold at goons at sistemang padri-padrino? Ano ang political agenda, ano ang ALTERNATIBA?
Ang isa pang tanong ay kung bakit tayo nakikialam at nababahala sa pampulitikang sitwasyon ng Pampanga, the same manner na bakit ganun na lamang ang pagmamalasakit natin sa Mindanao, partikular sa Maguindanao, ang lugar ng Ampatuan clan, MOA-AD at digmaang nagaganap sa pagitan ng militar at MILF. Hindi naman tayo Kapampangan, tubong WARAY tayo, hindi tayo tagaMindanao-LUMAD at lalong hindi tayo Muslim. Tulad ng kasabihan at awit ni Jess Santiago, “ang sakit ng kalingkingan ay dama ng buong katawan,” lahat tayo ay stakeholders, lahat tayo ay aktibo’t responsableng mamamayang Pilipino.
Tahasang pinangunggunahan na natin na isang “futile exercise, pagsasayang ng panahon at resources lamang ang recall petition ng grupong Kambilan, Bokal at mga mayor ng Pampanga.”
Hindi maiiwasan paghinalaang may kinalaman si GMA sa recall petition. Naniniwala ang marami na siya lamang at wala ng iba ang maaring makapagpatigil sa inaasal ng kanyang mga galamay sa Pampanga. Kung tutuusin, isang kumpas lamang ni GMA sa mag-asawang Pineda at kay Guiao, tapos na ang boxing sa Pampanga. Inaamin ni Among Ed at ibang mga nagmamasid na bilyong pisong budget ang gagamitin para maabot ang 100,000 pirma para sa recall petition at special election at tulad ng dati, gagamitin ito sa pananakot, malawakang pandaraya’t panunuhol at vote buying.
Malabong magprosper ang recall petition sapagkat, may kasalukuyang umiiral na status quo order pa ang Korte Suprema. Ultimo ang astig na abugadong si Romulo Macalintal ang nagsasabing isang “political absurdity” ang naturang recall petition. Anya, “hindi ito magpoprosper sa dahilang may nakapending na election protest na nakafile sa Comelec ang talunang si Lilia Pineda.”
Inaamin mismo ni Con Mikey Arroyo, ang padrino ng lalawigan na “malabong magtagumpay ang recall petiton, sapagkat, “may malaking kakulangan sa historical precedent ang recall sa Pilipinas. Walang recall move ang nagtagumpay at kadalasa’y banderang kapos at hindi na umaabot sa Comelec.” Kung ganun pala, bakit ayaw niyang patigilin ang kahibangan ng kanyang mga alipores sa probinsya. Ano ito, trial and error tactics, tinatakot lang ba, pinaparusahan lang, tinuturuan lang ba ng lesson si Among Ed?
Bukud sa babaha uli ng pera at kikita ang ilan, hinding-hindi makapapayag ang mga Kapampangan na muling ibalik sa pwesto ang mga may kasalanan sa taongbayan. Totoong may kahinaan organizationally si Among Ed at may ilang tao sa kanyang paligid ang parang anay na gumigiba ng kanyang programa de gobyerno sa Pampanga. Dahil ayaw tantanan ng mga kaaway sa pulitika si Among Ed, kahit paano, apektado ang delivery basic services at programang ipinatutupad sa lalawigan.
Sadyang nagbabago na ang political landscape ng Pampanga. Sa tulong ng mga Macapagal-Arroyo, Pineda, Lapid, Guiao, Henson at Pelayo, unti-unting nagigising at patuloy na lumalakas ang THIRD FORCE, ang makabagong kilusan ng mamamayan, ang “bagong pulitika,” mga AKTIBISTANG hindi klarong Kaliwa at lalong hindi makabagong konserbatibo o maka-Kanang pwersang reaksyunaryo.
Kung dati-rati’y usaping agraryo at anakpawis ang pangunahing pwersa at maka-uri (class oriented) ang oryentasyon, ngayo’y tila ata multi-sectoral, nagka-cut across sa lahat ng uri.
Kung magtatagumpay ang recall at matatalo si Among Ed sa special election, walang kaduda-dudang magluluksa ang mga Kapampangan. Tiyak na lalong sisigla ang kilos protesta at magreresulta ng malalaking mobilisasyon ng mamamayan kahalintulad ng electoral campaign nuong nakaraang taon ang magaganap sa Pampanga.

October 20th, 2008 at 11:00 am
despite of record breaking monies from the quarries (something previous gov of pampanga werent able to do) a recall was launched against the person responsible for bringing money to the capitol.
this government’s culture of corruption is indeed disgusting
October 19th, 2008 at 5:53 pm
On PNP “euro generals”:
Once again, it has been proven that PNP is an organization of corrupt officers.
Mga makakapal ang mukha. Mga walang hiya!
Paging NAPOLCOM!
October 16th, 2008 at 4:32 am
SC: Moro land deal is illegal
‘Whimsical, capricious, oppressive…
This is a harsh statement from the supreme court,offensive, angry and authoritative.
but should it be that way as if driving a point that the president is doing an illegal work?
The MOA is just an agreement and has no effect of a law to be implemented but just a guideline and nothing else.
It would have been appropriate for the SC to use the language as void or repealed and not illegal which is too derogatory and disparaging to parties involved, the government and the muslim autonomous seekers.
We are not talking of illegality here, we are talking whether MOA is to be implemented or not.
Use of scripted words such as whimsical, oppressive and capricious is inappropriate to peace seekers.
Watch out our language…for many will be hurt.
October 15th, 2008 at 9:44 pm
wonderwoman says….
Tignan mo ang uri ng mga politico (Lower Chamber), karamihan aymga abugado, mga propesor at Dean sa U.P.
Ang pagkatao nitong “Suma cum laude” sa pagka abogasya ay hindi ko maituturing na maganda. Wala na kaming ginawa kundi mag-inuma, mag-puyat sa mga “Night Club” at puro “good time.” Ito ang klase ng mga nagpapatakbo sa ating gobyerno….
*******************************
ba’t hindi mo pa sabihin kung sino si suma cum laude, pag si gloria presidente wala kang pangundangan sa akusasyon, masyado ang bunganga mo sa pagalipusta.
hindi ka pantay sa laban, partial ang iyong pagtingin.
isa pa guilty ka rin as an accessory or guilt by association. ang isda nahuhuli sa bunganga, ngayon kasama ka pala sa pagiinuman ni suma cum laude, meaning gumasta ka rin ng pera ng bayan.
kaya mag-ingat ka wonderwoman, or wonderman dahil ang tao pag abusado sa kapwa, ay babalik ka rin ng kapwa mo, at ang taong abusado sa sarili, babalikan ka ng sakit.
dahil kamo panay ang inuman ninyo, for sure,mga hard na brandy, vsop, henessey, johnny walker blue ang inuupakan ninyo, pasikat.
Resulta niyan sakit sa atay o bituka. maghintay lang kayo ng epekto later on.
ang masasabi ko lang sa iyo,lahat may kapalit, kung masama ang ginawa, masam rin ang ganti, kung mabuti, mabuti ang aanihin.
kaya yang mga politiko na sinasabi mo, maghintay ka lamang dahil darating din ang panahon…kasama ka na roon.
October 15th, 2008 at 4:58 am
alam mo wonderwoman, naniniwala ako sa mga sinasabi mo na talagang maraming kawatan, lalo na sa mga politico na nasa pwesto at kapanalig ang nakakarami.
pero kasama iyan sa laban o sa pagiging politiko.
katulad ng pangulo ng america, sino ba ang nakikinabang ngayon, siyempre yong kapanalig ni George Bush.
kaya lang tawag sa kanila ay lobbyists pero may pabor na natatanggap sa gobyerno.
katulad na lang haliburton or bechtel, halos sila ang may kontrata sa Iraq, pati na rin ang langis na negosyo ng mga bush.
sa madaling salita, kung sino ang nasa pwesto, may pabor sa kapanalig.
wag lang gagalawin ang pundo ng bayan, marahil yan ay lantaran pandarambong, meaning kung mismong budget ng ahensiya ang dinudugas, iyon ang hindi maganda.
sa bandang huli naman ay nauubos at nahuhuli ang mga kawatan.
Gloria is doing her best to get rid of corruption, but it is a gargantuan task na hindi kayang sugpuin sa isang kisap mata.
kaya bigyan natin ng tsansa si Gloria, at least nagreresign naman ang mga magnanakaw pag nahuhuli na sila. hindi naman nagpapabaya ang ating mamamayan.