Stakeholders tayong lahat
- Readers' Blog Posts -
Editor’s Note: This article was originally written by the author for his blog. We’re posting it with his permission.
By Doy Cinco
Nakakalungkot isipin na kung sino pa ang “nagsusulong, nagtutulak at nananawagan ng good governance, moralidad at responsible citizenship, krusada laban sa jueteng at kurakot” ay siya pa ngayon ang iniipit, pinapatanggal sa pwesto at kinakasuhan ng katiwalian at kabuktutan.
Ano ang layunin at bakit gustong patalsikin sa pwesto bilang gubernador si Among Ed? Ang recall petition ba’y interest ng nakararaming Kapampangan, para ba ito sa kaunlaran, good governance at para sa pagbabago? Dahil ba sa plataporma at prinsipyong ipinaglalabang political reform, pagwawaksi ng kabulukan ng pulitika, pagwaksi ng guns gold at goons at sistemang padri-padrino? Ano ang political agenda, ano ang ALTERNATIBA?
